nakalipas na ang ilang oras, may mga iba jan namatayan ng kaibigan, magulang at ang iba jan ay namatayan ng minamahal, parang ako lang? kung iisipan mu nga naman mas masaket mawalan ng mahal mo sa buhay pero sa kagaya kong ngiisip para may maiisip lang... nagiisip kung sia ay "love pa din ako. Ok, ok. Lahat ng tao sasabihin, na pag nabasa tong sinulat ko eh napaka cheesy and corny e sken lang wla ako pakilam, kanya kanyang trip lang yan.
ok ok. mukang nabibiti na kita? Sabi ko sayo eh, ako ang taong di ko maexpress sarili ko. minsan nga naisip ko saket ba yon? Eto, ayan na.. sasabihin kona, maghintay ka lang at tayo ay aarya na.
oh teka lang, inom muna tau. ayan, ok k na ba?
hindi ako emo pero eto naramdaman ko sabihin nio na madrama to pero lahat naman ng tao nararamdaman to ang ayaw ko lang tinatago to. eto kasi yon, nangyari kasi yan yung Sabado, April 16, 2011 dahil sa less than 200 pesos. Nagalit din sia yung biglang nagyaya pa ako ng isang Pinoy Japanese boys na Biyernes ko lang na meet sa club. Uo, inaamin ko kasalanan ko na ngyaya ako. Akin kasi minsan no big deal saken ang ibang bagay kagaya ng mga ganun. Kya siguro minsan talaga, ang isang taong kagaya ko. At least ngaun alam ko na. Lahat naman ng tao siguro ngkakamali, guwapo man or guwapo... yes gwapo. wala kang choice.
May tao tlgang matigas ang ulo kagaya ko o talagang nilikha nakong demonyo at kung ano ano nasa isip ko. ok.
Bago ka humalak jan o antokin , basahin mo muna ang kadugtong nito. tungkol sa pera na yan, sana lahat ng tao pinanganak lahat na mayaman, siguro naman lahat ng tao nagkakagulo na kakabili luxuries nila, hindi maghihiram sa kaibigan or ang iba jan... sa sobrang kapal ng mukha nghihiram sa kakakilala lang nila, kakatawa diba? pero that's the reality. Minsan ang tao nakikita mo ang totoong kulay nito pag may pera sia sa walang pera. Yung iba jan mukang pera... hay ang mundo talaga puno ng kademonyohan. Sana nga eh, nadagdaggan nia ng 200 eto bulsa ko para di ako ng mukang buntot sa knya papuntang Sm Bacoor. nakakahiya, siguro sa mga ng babasa nito, kung ikaw nasa sitwasyon ko maaring di ka na magpakita sa namimiss mong tao dahil wala kang maipakita muka sa knya. Sinabihan kang di ka nia mahal forever pagkatapos mo siang tanungin. Gusto mong lasunin ang utak mo ng magagandang salita pero sa realidad wala naman talaga.
this too shall pass. pass.pass. past.
now I am facing the present. we will never know.
Nakakaiyak man isipin na naging super saya ka kapag alam mong nanjan sya sayo. Masaya ang hangin, tubig, sa mundo mo. Uo, maaring sabihin mo na napakadrama ko.. moment ko to eh.
Unga pala. Kung nababasa mo to, sana naniniwala ka padin saken. maaring napakatanga ko dahil sa tingin mo napakaparanoid ko. Ayoko lang maging hadlang ako sa pangarap mo habang bata ka, ayoko din maging hadlang sa pag aadik mo, kaya nga kahit di ako adik dati naki adik na din ako. Masarap pala. ayan tuloy, mukang naadik din ako sayo. O sige, tawanan, mo pa ako. hahahahaha! Ayoko lang maging hadlang ako sayo sa mga gusto mong maranasan ang mga bagay bagay habang nandito andito ko sayo, ngunit sa kakaiwas ko sayo at paghinayaan kita sa mga gusto mo, tingin mo pa sken sinasakal kita. Masaket para saken yon samantalang ngpapakabato ako kahit nasa harapan ko ang kalandian mo. Uo, Kasi minsan naalala kita at namimiss kita.. ai araw araw pala.
Unga pala, domo arigatou gozaimasu, merci, Thank you sa sobrang pinakita mo saken namiss mo din ako. kahit di ko pinapakita na miss din kita.. natakot lang ako mgfeeling feelingan ka at kasi alam ko di kapa tapos sa mission mo sa buhay mo.
Thank you sa pgintay mo saken, sa two years dati... naappreciate ko yon pero di ko pinapakita yon sayo. Hindi ko din pinapakita na miss kita ng sobra kasi kahit ako marami pakong gusto gawin. at least nagkita tau kahit konti buwan, at least alam ko you're doing fine.
Thank you sa pagcomfort mo saken yung nakikitira tau sa friend naten, thank you sa pag tulong ng paghugas ng pinggan at least marunong ka na magluto ng chicken curry.
Thank you for the nice words.
Thank you, pinarinig mo saken na ng so-sorry ka saken kahit minsan kasi di ka nman ngssorry. Masarap pakinggan yon sa totoo lang.
Madaming ngyari sa buhay naten... madrama, nkakaaaddict, buwisitan, tawanan, pakpakan( pero super ngenjoy naman ako sayo)kahit alam ko pinipilit mo na ipagbuo tayo or ako na minsan umaalis sa harapan mo, ngunit bumabalik din ako sayo. parang adik nga lang talaga... pero sige padin.
sorry din kasi maraming bagay na di ko mapakita ang sarili ko, Sana pagkameet naten jan( kung mg cross man way naten) sana nagawa mo na gusto mo.
Sa ngaun, kahit pag pilitan nten sarili naten kung sadyang may mga mission pa tayo minsan sa buhay naten... di mgkakasya tau sa maliit na bote. we will never know. Lhat ay lilipas.
tayo lang naman ang pede makahawak ng chance if we would like to let it pass. My time na gusto naten bumalik pero di na pala pede. kaya sabi nila move on, kakatawa diba?
kung sino pa ang right girl/ boy sayo... most of us, pinapalipas naten toh. kaya we usually miss the person who gave us the true love. cheesy talaga buhay ng tao, kaya wag masiado seryosohin ang detalyado ng buhay. you will never know.
alam naten lahat na tatanda din tayo.
Remember, even if my hair turns gray, I will still miss you. GOOD VIBES. true love. -charo santos. charing!
No comments:
Post a Comment